I plan to write about this last night pero di na
kinaya ng antok ko para tumipa pa sa laptop (bangag lang). Ikaw ba naman ang
maging baby sitter ng almost 2-months old na cute boy (i-claim nang cute,
walang kokontra), siguradong paglapat palang ng likod mo sa bed tiyak na ang “snoring
session” niyan.
In short, my fight to stay awake didn’t win last
night. Pero kahit puyat man, may malaking ngiti naman sa mga labi kasi bukod sa
masaya ako to be with my son and wife every weekend, may isang bagay pa na
nagpangiti sa akin kagabi habang binabaybay ko ang kahabaan ng daan patungong
Dammam. Galing kasi ako ng Al Ahsa where my wife and son stays. My work is
stationed in Dammam kaya weekend lang kami nagkikita-kita.

