Isang gabi natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo
sa isang silya at nakalapag sa ibabaw ng mesa ang isang plastik na baso na may lamang mainit at mamahaling kape ng Starbucks. Naisip ko na sana sorbetes nalang ang sinadya ko sa kalapit na tindahan dahil maalinsangan ang paligid pero mas una kung maispatan ang Starbucks. Napagtanto ko na wala pala ako sa aking lupang sinilangan. Nasa ibayong dagat pala ako. Dinala ng pangarap at pagsisikap.
Muntik ko nang makaligtaan sa isip ko na isa na pala akong OFW - magli-limang taon na! Marahil dala na rin ng pagod sa paghahanap ng ipapasalubong ko sa mga mahal ko sa buhay sa aking nalalapit na pag-uwi kaya nawala ako bigla sa normal na takbo ng kasalukuyan.
Habang ninanamnam ko ang mala-barakong lasa ng kape sa pamosong Starbucks, dinala ako ng aking diwa upang balikan ko ang aking nakaraan. Palibhasa nakapwesto ako sa labas na bahagi ng sikat na kapehan dala na rin ng nagsisiksikang mga iba't ibang lahi sa loob nito, tanaw na tanaw ko ang mga mabibilis na takbo ng mga magagarang kotse na dito ko lang nasilayan sa tanang buhay ko.
Habang ninanamnam ko ang mala-barakong lasa ng kape sa pamosong Starbucks, dinala ako ng aking diwa upang balikan ko ang aking nakaraan. Palibhasa nakapwesto ako sa labas na bahagi ng sikat na kapehan dala na rin ng nagsisiksikang mga iba't ibang lahi sa loob nito, tanaw na tanaw ko ang mga mabibilis na takbo ng mga magagarang kotse na dito ko lang nasilayan sa tanang buhay ko.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang binabaybay ng aking isip ang mga karanasan ko noon. At di ko mapigilang maging emosyonal sa tuwing sasagi sa aking kaisipan ang aking tatay. Ang aking tatay na simula pagkabata ay siya na ang itinuring kong Superman at Batman ng pamilya. Ang aking ama na siya nang nagtiyaga sa akin upang turuan akong sumakay sa likod ng kalabaw, turuan ako ng mga gawain bukid kabilang na ang pag-aararo.
Di naman siya nabigo. Ako'y natuto din naman. Pero lingid sa kanyang kaalaman, habang sa tuwi-tuwina'y tulak ko ang araro na hila ng kalabaw ay may mga pangandoy ding sinusulsi ang utak ko. Abala rin ang utak ko kung paano maisasakatuparan ang mga parangap ko sa pamilya ko. Pangarap na alam kong magiging daan sa mas maginhawang buhay.
Sinumulan kung planuhin ang mga pangarap ko nang tumungtong ako sa sekondarya. Di naman ako gaanong pilyo pero sa tuwing dadalaw ako sa aming silid-aklatan ay kadalasang hindi pagbabasa ang inaatupag ko kundi ang magmuni-muni. Ang muni-muni na nauuwi sa pag-isa-isa ng mga pangarap ko kung maging kolehiyo na ako. Sumagi na sa akin ang medisina, maging pagiging enhinyero man ay isinama ko na. Pero, tila ang pagiging manunulat talaga ang tinatahak ng aking isip.
Simple lang ang buhay namin. Sapat naman ang aming nakakain sa araw-araw, may konting pera rin na ginagamit ng tatay at nanay ko sa pagpapautang pero walang tubo. Ang sakahan namin ang nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan namin. Di naman kami nakaka-angat at di naman kami lubhang salat. Bigla ngang may naglaro sa isip ko, sabi ko: "sana pag nag-aral ako sa Maynila doon ako makapasok sa pinakasikat na universidad bilang iskolar". Naging mithiin ko na kasi na mapabilang sa mga iskolar ng bayan. At gusto ko din kasi na pinipiga ang utak ko habang nag-aaral ng sa ganun ay mailabas ko ang lahat ng potensiyal ko.
Ngunit nag-iba ang takbo ng lahat ng dapuan ng sakit ang aming haligi ng tahanan. Sakit na tila di malaman kung saan nanggaling. Hatinggabi ng una siyang atakihin. Nanikip ang kanyang dibdib at di siya makahinga tapos bumubula ang bibig niya. Di na inalintana ng aking maalalahaning ina kung sa kalaliman ng gabi man ay sumigaw siya ng saklolo upang gisingin ang mga kapitbahay namin para tulungan kami. Nahihimasmasan naman ang tatay ko pagkatapos siyang i-masahe ng madiin sa dibdib ng dalawa kung tiyuhin. Sa isang buwan halos dalawang beses siyang sumpungin.
Sa pagsangguni namin sa doktor sa Maynila, unti-unti naman nauubos ang aming konting naipon. Dumating sa punto na pati ibang ari-arian ay kinailangan ipagbili na para matustusan ang pagpapagamot sa aking tatay. Halos iyakan ko ng napilitang ipagbili ang paborito kong alagang baka. Pero dala ng pag-aalala at pagmamahal sa aking ama, di ko na inalintana ang aking emosyon. Sabi ng doktor sa Maynila na naging suki na ng tatay ko ay normal naman daw ang mga vital signs niya. Di rin malaman laman ng doktor kung ano ang sakit ng tatay ko. Hanggang sa sumangguni na kami sa albularyo. Maka ilang beses kaming sumangguni sa iba't ibang albularyo sa aming lugar at sa karatig na pook. Pero tanging isang malayong kamag-anak lang na galing Dabaw ang nakapagpagaling sa aking tatay. Tumagal ng pitong taong dala dala ng aking ama ang sakit na iyon na kagagawan pala ng isang kaibigang nainggit sa kanya. Ayon na rin sa kwento ng manggagamot. Nilason pala ang tatay ko. Sa tagal ng panahon na dinala niya ang sakit niya ay tumibay din ang aming samahan at pananalig sa taas.
Nang dahil sa halos maubos na ang ari-arian namin, natutunugan ko na na di na nila ako kayang pag-aralin sa kolehiyo. Isang bagay na lihim kung ikinalungkot. Pero nagpatuloy lang ako sa normal na takbo ng buhay. Sa kabila ng nagbabadyang pagkawasak ng pangarap na sinumulan kung planuhin ay sinikap ko pa ring gawing normal ang aking pag-aaral. Napapasama pa rin ako sa hanay ng magagaling sa klase. Di ko naman din sila masisi sa nangyari kasi di naman iyon sinadya. Marahil binigyan lang talaga kami ng maagang pagsubok ng Diyos upang lalo kaming tumibay para sa susunod na pagsubok sa amin mas may sandata na kami.
Nakapagtapos ako ng hayskul bilang pangatlong sa may pinaka mataas na marka. Isang karangalan na higit na ikinatuwa ng aking mga magulang lalong-lalo na ang aking tatay. Sa pag-akyat ko sa entablado sa araw ng pagtatapos ay isinabit sa aking ng aking ama ang medalya sabay abot sa aking kamay ng isang regalo. Isang di mamahaling regalo ngunit di matawaran ang saya at pagpapasalamat ko - isang itong pluma na napapalitan ang tinta. Marahil di lingid sa kaalaman ng aking ama na mahilig talaga akong magsulat. Kaya siguro iyon ang naisipan niyang ibigay. Itinago ko iyon at gagamitin lang sa mga importanteng sulatin.
Dumating ang araw na pinag-uusapan na nila ng aking ina kung isusugal ba nila na ako'y pag-aralin sa pamamagitan ng pangungutang. Isa't kalahating buwan nalang kasi at pasukan na. Sa mga oras na iyon, ang mga dati kong kaklase ay nagsipuntahan na ng Maynila. Nakaramdam ako ng lungkot sa katotohanang baka nga di na muna nila ako pag-aralin sa kolehiyo. Napagtanto ko tuloy na siguro nakatakda akong magpastol ng mga baka at mag araro sa bukirin.
Ngunit isang mabigat na desisyon ang pinangatawanan ng aking mga magulang. Napagkasunduan nilang ipangungutang ang aking pagko-kolehiyo. Di ko malaman kung matutuwa ba ako or malulungkot. Pero sa mga sandaling iyon, di ko na inisip kung ano man ang magiging kahihinatnan ng desisyong iyon.
Kamakalawa'y sumama ako sa aking isang tiyuhin na nagta-trabaho sa Maynila. Sa kapatid ng tatay ko ang aking diretso ayon na rin sa napagkasunduan nila. Doon ako manunuluyan habang ako ay naghahanap ng mapapasukang eskuwelahan hanggang ako'y mag-aral na. Di ko na rin ikinalungkot kung di ko natupad ang makapasok sa unibersidad na pinapangarap ko. Ang importante ay umuusad ang aking plano. Dala ko pa rin ang pluma na regalo ng tatay ko.
Nakapasok ako ng isang pribadong paaralan bilang iskolar din. Naging subsob ako sa pag-aaral, bawat pagsusunog ng kilay sa gabi ay nagpapaalala sa akin ng mga pangarap ko. Nairaos ko ang unang semestre bilang isang iskolar pa rin. Pangalawang semestre na. Lalong sinipagan ko pa ang aking pag-aaral. Ngunit sa pagtatapos ng unang taon ko ay natanggal ako sa pagiging iskolar dahil sa mababang marka na nakuha ko sa araling pang-Ekonomiya ko. Ang pagkatanggal ko sa pagiging iskolar ang naging mitsa ng pansamantalang pagtigil ko sa pag-aaral. Namasukan ako bilang isang crew sa sikat na Jollibee.
Sa kabilang banda, inuudyok ako ng isa kung tiyuhin na pasukin ko daw ang pagho "hosto" sa Japan. Mag-hosto nalang daw muna ako tutal maganda naman katawan ko at mala-Gabby Concepcion naman daw ang katipunuan ng katawan ko. Naisip ko kung gagawin ko yun isa na akong masasabing puta. Ni sa hinagap di sumagi sa akin ang magbenta ng sarili kong puri. Marangal ang pagpapalaki sa akin ng aking nanay at tatay. Ano nalang ang saysay ng pagsusunog ko ng kilay gamit ang paborito kung lampara kung mabubulid lang naman pala ako pagbebenta ng laman. Di ko pinangarap na magpakita ni kuyukot man sa harap ng maraming tao. Mas nanaisin ko pang makagat ng alupihan or matuklaw ng ahas habang nangangahoy o nagsasaka kesa yurakan ko ang aking pagkatao. Nakatatak sa aking murang isip ang mga prinsipyong ibinahagi ng aking ama at ayaw kong madungisan iyon.
Tandang tanda ko pa noon ang pabaong mga salita ng aking maalalahaning ina: "Anak, pag nandoon ka na sa Maynila magbasa ka ng magbasa ng mga malalaking peryodiko para mas lalong mahasa at tumalas ang kaalaman mo sa wikang Ingles". Batid kasi ng nanay ko na tamad akong magbasa. Bagamat noong nasa sekondarya ako ay nahahanay naman ako sa mga sinasabitan ng medalya kada matapos ang taon. Malinaw pa sa aking gunita ang kislap ng mga kamera tuwing sasabitan na ng medalya ang mga nasa hanay ng may karangalan.
Nakatapos naman ako ng aking kurso bagama't kinailangan kung magtrabaho habang nag aaral. Bilang bagong gradweyt, agad-agad akong naghanap ng trabaho. Pero sadyang may swerte pa rin akong kaakibat ng makatanggap ako ng dalawang liham galing sa dalawa sa mga pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Nag isip ako ng malalim kung tatanggapin ko pa sa kadahilanang may trabaho na ako sa isang magandang kumpanya. Makalipas ang isang linggong pag-iisip, napagpasyahan ko na ring di tanggapin ang alok. Maayos na rin naman kasi kahit papano ang aking trabaho at naka tatlong buwan na ako sa kompanyang una kong napasukan.
Lumipas pa ang mga taon, dala ng pangangailangan ng pamilya napilitan akong maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Siguro sadyang may ibang plano ang Diyos sa akin. Habang ako'y nagtatrabaho ay panay naman ang pagpapadala ko ng aking resume sa iba't ibang kompanya sa ibang bansa. Karamihan sa pinadalhan ko ay sa gitnang silangan.
Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng tawag sa isa sa pinag-aplayan ko sa gitnang silangan. Dali-dali akong pinaghanda ng para sa webcam interbyu. Sa kabutihang palad natanggap ako. Pero sa trabahong di gaanong may kaugnayan sa aking kursong pangkomersyo. Di ko kasi naisakatuparan ang kursong para sa mga manunulat dala na rin ng walang preparasyon sa aking pagko-kolehiyo noon. Pero naisip ko naman na tayong mga Pilipino lumalaban sa kahit anong hamon sa buhay. Kaya pinatos ko na ang trabahong alok bilang sekretaryang pang ehekutibo ng pinaka-pinuno ng departamento.
Sa madaling salita, lumipad na ako papuntang ibang bansa. Dito lubusang lumalim ang pangarap kung matupad ang pagbili ng bagong kalabaw ni tatay.
Samantala, biglang naputol ang aking pagmumuni-muni ng marinig kong may tumatawag sa aking pangalan.
"Jay!, Jay! sabi ng boses sa di kalayuan. Isang pamilyar na boses. Napalingon ako at nakita ko ang dati kong katrabaho sa Pilipinas na si Aris. Bahagya akong napatulala at nasambit ang mga katagang "Teka, nasa Pilipinas ba ako?" Pero malinaw pa sa sinag ng buwan na siya nga ang nasa harapan ko ngayon. Biro mo yun, dito rin pala siya napadpad sa bansang kinaroroonan ko. Nasambit ko tuloy ang mga salitang "Sadyang napakaliit nga talaga ng ating mundo!"
Sa pananabik namin sa isa't isa napahaba ang aming pagbabalik tanaw at pagku-kwentuhan. Namalayan nalang namin na nakaubos na pala kami ng apat na iba't ibang klase ng kape na mayroon sa Starbucks. Palibhasa noong umalis si Aris sa kumpanya namin ay di man lang siya nagsabi ng dahilan kung bakit siya aalis at kung saan siya pupunta. Sadyang inilihim niya sa lahat. Ni walang sinuman ang nangahas na alamin o kulitin siya sa rason ng kanyang pag-alis.
Patuloy ang naging kwentuhan namin sa aming mga kanya-kanyang buhay. Mga naranasan namin sa bansang aming kinaroroonan, mga pangungulila sa pamilya, at pati na rin mga masasayang sandali ng aming buhay bilang OFWs. Dumako kami sa usapan ng pera at kabuhayan. Naibalita niya sa akin na nakabili na siya ng bahay at may hinuhulugang lupa pa. Natuwa ako sa kaibigan ko. Ang dating Aris na sa tuwing may problema sa pera ay lagi nang ako ang kaagapay sa paggawa ng solusyon. Ngayon, ang Aris sa harapan ko ay isa ng masasabi kung matagumpay at di na naghihikahos.
Alam ni Aris na di ko naging ugali ang sabihin kong ano ang meron ako. Pero sa pagkakataong iyon, inisip kong siya siguro ang nakatadhana upang bahaginan ko ng aking kwento ng tagumpay. Naibahagi ko rin sa kanya na meron na akong nabiling bahay at lupa. Pati na rin ang konting negosyo na naipundar ko ay nasabi ko na rin. Dala na rin ang aking sobrang pagkatuwa naipagtapat ko rin sa kanya ang binili ko sa tatay ko. Alam na alam kasi ni Aris ang kwento ng buhay ko kaya naibulalas ko din sa kanya ang mga katagang: "may bagong kalabaw na si tatay".
Gayun na lamang ang kanyang pagkamangha at pagkatuwa ng marinig iyon at sabay sabing "Talaga! kelan pa? At tumugon naman ako "Noong nakaraang buwan lang"
Alam ni Aris kung ano ang kalabaw na tinutukoy ko dahil noong magkatrabaho pa kami ay lagi na naming bukambibig ang mga katagang "kelan kaya tayo magka-kalabaw".
Sinundan niya ng tanong: "Anong brand at model ng kalabaw ang binili mo?
HYUNDAI ACCENT 2010! ang mga salitang nabanggit ko. At nagbunga na nga ang plumang pinakaingat-ingatan ko na naging susi sa aking tagumpay. Ang plumang nagamit ko sa pagsusulit, sa mga interbyu ko habang naghahanap ng trabaho at ang plumang dinala ko pa rin sa ibang bansa. Ang pluma na naging daan upang maibigay ko ang pangarap ko sa tatay ko.
Ang tatay na gumabay sa musmos na bata noon. Ang tatay na buong tapang at lakas na nagtaguyod sa aming pamilya. Ang tatay na hinayaan kaming mangarap ng malaya. At ang tatay na bagamat napaka displinado pero liberal ang pananaw sa buhay.
Kaya nararapat lamang na alayan ko at palitan ko ang dating kalabaw ng tatay ko. Ang dating kalabaw na kariton at araro lang ang kayang hilahin.
Ngayon, di mo na susundan ang kalabaw bagkus ikaw na ang ipapasyal ng bago mong kalabaw. Tapos na ang pagpapagod mo sa araw-araw.
Hayaan mong ikaw naman ang mapagod sumakay sa magara at kumikislap mong bagong kalabaw - ang HYUNDAI ACCENT 2010 ay alay ko sa'yo bilang katuparan sa pangarap na binuo ko sa gitna ng sakahan.
Ito ang aking opisyal na lahok sa patimpalak para sa BAGSIK NG PANITIK ng DAMUHAN: Blog Ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy
salamat sa paglahok :)
ReplyDeletewow!
ReplyDeleteHong gondo! Ang galing daddy Jay! Natuwa ako sa pagiging importante at pag stick ng pluma hanggang the end. Pasok na pasok!
ReplyDeleteAt hindi ko alam na yung pala yung kalabaw! HAHAH! True to life po 'to?
Five years ka na bang OFW? Kelan ka uuwi? Ako naman 13 years and still counting. Nawa next year makauwi na ako. Kaya din ganyan katagal na ako hindi umuuwi kasi nandito na din ang buong pamilya namin.
ReplyDeletePero hahanap-hanapin pa rin ng puso, isipan at laman ang sariling bayan.
This is a very touching post. Napaiyak din ako. Halo-halong emotions.
When you mentioned about your father teaching you how to ride a carabao, dun talaga ako lumuha ng todo. I had to make sure naka-lock yung pinto ng kwarto ko at walang nakakarinig ng pag hikbi ko. Hehehe, drama no?
Yun kasi yung mga bagay na hinahanap ko noon, at kahit ngayon. Sa pamilya namin, isa ako sa second generation na nag-migrate. That means, lumaki ako na nasa ibang bansa ang aking mga magulang. madaming taon ang binibilang namin bago umuwi ang parents ko. I never learned anything from my father. You're really blessed to grow up guided by your father.
Honor student ka pala. I'm sure kapag nakatalikod ka, lagi kang ikinukwento ng mga magulang mo sa ibang tao. They're really blessed to have you as their son. natutuwa din naman ako sa pangaral ng nanay mo bago ka pumunta sa Manila. Yan din kasi ang ipinamulat ng lola ko. Laging broadsheet at mortal na kasalanan kapag humawak kami ng mga tabloid. Ayun, naging staple namin noon ang Inquirer.
Your story is very inspiring, lalu na sa mga estudyante. May mga bloggers din na nagsusulat kung gaano kahirap ang buhay estudyante at laging kakambal ng mga kwentong yan ang usapang pera.
Pero kung tutuusin, hindi naman talaga dapat pino-problema ang pera. Nasa tiyaga lang din yan. Perseverance, humility and tenacity- mga bagay na hindi ko natutunan, hehehe...
Promising student ako noon at aspiring scholar din sa UP. Kaso nag migrate nako dito. Nung dito nako nag-aral, dito ko natutunan ang magbulakbol. I took everything for granted. So here I am now- after four courses and three schools- a complete nobody. Nawalan din siguro ako ng drive sa pag-aaral dahil lagi ko noon kaaway ang magulang ko.
ngayon, ang dami kong pinagsisisihan. Lagi ko nga sinasabi- di bale na ang mahirapan sa pag-aaral kaysa maghirap dahil walang pinag-aralan.
Naiinggit ako sayo kasi ngayon nasuklian mo na ang paghihirap ng mga magulang mo. You made them proud. Kung ako ang tatay mo, masasabi ko na puede na talaga ako pumunta sa langit. You really did a very good job on being a faithful and loving son. To be a father, one must learn to be a son. It also implies that to be able to move one to the next phase of your life, you must learn your lessons now.
How I wish I can make my parents feel proud of me again. I hope one day, maging katulad kita, makapagbigay ng bagong kalabaw sa mga magulang ko.
nice one ser!... kahanga-hanga ang pagpapakilala mo sa iyong ama... tunay siyang mabuting ehemplo sa iyo, pagka't lahat ng iyong pangarap ay nagsimula sa kanya...:D
ReplyDeleteGoodluck ser!!!!
Nakaka-intimidate talagang mag comment pag present si Mr. Tipster haha.
ReplyDelete@topic, daddy jay - isang kwento pala ito ng pagsubok at pagtatagumpay sa buhay. Nakaka inspired! naipasok mo lahat ng maayos yung mga required words ni sir Bino for his contest. saka natuwa naman ako dun sa "kalabaw" - isa na syang Hyundai Accent. Nice!
di ko na nabilang kung ilang minuto ko ito binasa haha.
buti ka pa Sir naconvert mo na yung kalabaw sa isang kotse para sa tatay mo. Parang transformer lang ano?
ReplyDeleteGood luck po sa inyo Sir Jay!
Hay sir Jay. i had mixed emotions while reading your post. Nakakinspire. nalulungkot lang ako na wala na akong papa. He passed away last 2010 due to an accident. Di ko naman masasabi na may kaya kami o hikahus. Tama lang kumbaga pero gusto ko din suklian lahat lahat. Di ko man to magawa para sa papa ko..para sa pamilya ko na lang. Iniisip ko din mag abroad.. KAso baka di ko kayanin ang lungkot. You've been blessed kasi nag tyaga ka at nag aral mabuti. it was worth all the sacrifices.. Sana may pic dito si papa mo..i would love to imagine how happy is he now.
ReplyDeleteDaddy Jay... never kang nabigo sa intensyon mong magpahagulgol... I told you a thousand times na sensitive ako sa father and son stories...
ReplyDeleteI hate you na...as in...
another well written... kung sa mga english post mo, napaluha mo ako...eto ang pinaka nag-pahaulgol sa akin...hehehe... tagos sa laman...
wow jay sumali ka na!
ReplyDeletehmm well di man kami close ng father ko ee inacknowledge ko naman ung mga nagawa at mga sakripisyo nya para samin lalo na nung malakas pa siya!
ganda ng pagkakagawa as expected of you
based ba sa stroy mo to jay?
good luck sa entry mo parekoy want ko tulyo sumali din!
Ser Jay mas prefer ko talaga ang tagalog ninyo kaysa sa inglish. ramdam ko with feelings ang nilalaman ng entry na toh. tagos puso hanggang backbone with matching random mix emotions.
ReplyDelete@Bino - Sir, salamat sa pagbisita, kagaya ng sinabi ko sa comment ko sa post mo "Ang mabigyan ng pagkakataon na makasali ay isang malaking pribilihiyo. Kung maso-shortlist man or mapabilang sa mga winners ay bonus na lamang. :)
ReplyDelete@David - Salamat sa pagbisita! Sa isang katagang "wow" alam ko na na-appreciate o ang aking obra. Thanks :)
ReplyDelete@Pao - Maraming salamat Pao! Napagtanto ko na ang hirap pala talaga gumawa ng short story let alone coming from a neophyte in this field of literary works.
ReplyDelete- Yun ang twist ng story - done it in a figurative way -hehe...kaya gumawa ka na rin.
@Mr. Tripster - maraming salamat Sir sa inyong pagbisita.
ReplyDelete- Yes, maglilimang taon na ako sa ibayong dagat. Limang taon ng mga challenges sa buhay - may lungkot, saya, pag iyak, at kung ano ano pang emosyon na mararamdaman mo
yes dad, gagawa din po ako. :) but dont expect that itll be as good as this one. ill try though. ;)
ReplyDeleteAlam na alam mo ang weakness ko kaya ngayon lang ako nakapagcomment dito. T.T
ReplyDeleteActually wala akong masabi kundi nakakaingit ang relasyon nyo ng tatay mo. Alam mo na yun.
True to life eto. Believe talaga ako sa mga taong nagsasalaysay ng kanilang totoong buhay lalo na sa ganito kapersonal. Kung tutuosin maipagmamalaki naman eto at mapaghuhugutan ng inspirasyon. Lalo na sa mga may father & son issue. hehe
Ang lalim pala ng dinanas mo daddy jay. huhu naiiyak na ako ah. Naalala ko kasi bigla yung mga dinanas ko rin noon. Lalo na sa pag-aaral. Pero di ko pinagsisihan yun dahil kung san at ano ako ngayon ay bunga narin ng mga dinanas ko noon. Dun tayo tumibay e.
Saludo ako sayo daddy at sa mabuting pagpapalaki ng iyong magulang. Hindi naalis ang pagmamahal lalo na sa iyong ama. Kaya naman hindi kataka-taka na nagiging mabuti kang ama at asawa sayong sariling pamilya. :)
Congrats pala sa kalabaw ni tatay. I'm sure tuwang tuwa sya. :D
Mas lalo pang lumalim ang pagkakakilala ko sayo. I feel so bless na nakilala kita at tinuturing mo ako na iyong anak kahit dito lang sa online world :)
Good luck sa entry mo daddy jay :)
For the win ito!!!
ReplyDeleteParang ayoko nang sumali
Congratz in advance.
Inspiring. Nahiya ang post ko, Daddy Jay.:D
ReplyDeleteInspiring nga... tama mga naunang komento.
ReplyDeleteAng dami nyong pinagdaan, ngunit dahil matalino ka at may paninindigan, nakamit mo ang kalabaw na iyong minimithi... Ang ganda ng pagkakalahad ng kwento... Smooth!
Goodluck sa entry natin!
at pinaiyak ako ng kwentong kalabaw hu hu... ayheytsu!
ReplyDeletespeechless tuloy ako dito. hindi ako maka "ala-mr. tripster comment". pagka kasi kwentong magulang super sensitive ako dahil na rin siguro sa mga pinag-daanan ko lalo na tungkol sa aking ina. lagi ang ending eh luha :( kay JonDmur ko lang yata na-share privately ang dahilan dahil sa kasalukuyan syang dumadanas ng pagsubok at nagkaron ng doubt sa kanyang pananalig...
so hindi pa pala mahaba etong comment na eto? para na rin akong nag kwento haist.
Congrats Jay! entry pa lang panalo ka na sakin plus pa yung kwento ng pagsisikap, tagumpay at pagbibigay halaga sa magulang...
hindi nga dumugo ilong ko sa ingles mo this time nag -internal hemorrhage naman ako sa lalim ng tagalog mo LOL! Hindi rin ako nagtaka kung pano mo naisingit ng maayos yung mga pambihirang Tagalog words na required ni Bino sa entry (kuyukot, etc), Alam kong kayang-kaya mo yun. Ang nakagimbal sakin ay pano mo naisingit yung...
mala -GABBY CONCEPCION!
ha ha ha mula sa pagluha pinahalakhak mo ako! haist! :P
Ikaw na! You're the man Jay!
TO ALL:
ReplyDeleteThank you sa lahat ng mga comments nyo. When the contest is done. I will reveal some twists involve in my entry.
Crossing fingers and hoping that it will be shortlisted.
nice.. talagang kung magpursige ka lang talaga sa iyong pangarap di ba't makakamit mo talaga ano... nice mas nainspired ako basahin mas maganda siya bilang inspirasyon kesa kompetisyon :)
ReplyDeleteisa sa mga entry na may puso.
ReplyDeletehalf fiction slash half true to life story ba ito daddy J :) o pano ba ang hatian? 90% - 10% ? hehehe
napangiti ako dun sa kalabaw -kalabaw.
Goodluck po sa BNP.
hindi ko kinayang mag-skipread! Pangarap ko din to para kay Paps :)
ReplyDeleteDefinitely a post worth reading! Parents rin motivation ko sa pagsisikap. Congrats dito for winning 3rd place BNP!!! :)
ReplyDeleteCongrats Daddy Jay :)
ReplyDelete