Mga ilang araw din akong nawala sa blog na ito. Isa lang ang kahulugan nito. Walang bagong blog entry. Sa ilang araw na iyon anu-ano nga ba ang mga pinagkaabalahan ko?
Ang totoo niyan marami akong mga bagay na ginawa sa loob ng ilang araw na iyon. Kung aking bibilangin, apat na araw din pala akong nag-hibernate sa blog na ito. Katulad ng ibang masipag na Juan (masipag daw oh! haha! oo, masipag ayaw ko kasing maikumpara kay Juan Tamad), punong-puno ang aking iskedyul. Umaapaw nga eh pero ang lahat ng mga iyon ay pawang mahalaga sa akin.
O siya! bibigyan ko na nga kayo ng ideya kung ano ang mga pinagkapaguran kong gawin sa loob ng apat na araw. At eto ang mga mahahalagang bagay na aking pinag-kaabalahan:
- Unang-una na siyempre ang aking trabaho, lumaki na ang isa naming branch sa Riyadh kaya lumawak din ang aking mga ginagampanan sa pangkalahatan kong trabaho. Bukod pa roon, nag resign ang kasama ko sa Purchasing (lokal siya) kasi nakakita siya ng mas magandang offer sa ibang kumpanya. Sa isang investment bank na siya nagta-trabaho ngayon. Di naman napigilan ng "muder" (boss) ko kasi malaki nga ang offer at di kayang tapatan. Sa ngayon, naiwan akong mag-isa sa Purchasing Department. Pero ang alam ko meron na uling bagong hire to join me sa aking departamento.
- Kung kayo man ay ka-FB friend ko, marahil ay mapapansin ninyo na di ako ganun kadalas mag-update ng aking wall status. Bakit kaya- ano ang rason? Naglaan ako ng malaking panahon para sa pag-iisip (brainstorming) ng mga maaring activities namin sa aming 2nd HS Grand Reunion sa taong 2014. Ang layo pa ano, mabuti na ang maagap. Ako kasi ang naatasang mamuno as "Overall Chairman" ng aming batch. Malaking responsibilidad ito kaya sa ngayon palang nag-uumpisa na ako sa pagbuo ng konsepto.
- Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ko sa mga social work and charity organizations na aking kinabibilangan. Gusto ko kasi na updated ako lagi sa mga needs at updates nila kasi bilang far-away benefactor, humahanap din ako ng sariling paaran kung paano ko pa sila matutulungan maliban sa aking personal na tulong. Mahalaga sa akin ang ganitong adbokasiya kasi gusto kong mayroon akong nai-aambag sa aking "social responsibility" na aspeto.
- Kasalukuyan din akong tumutulong sa pag-rebisa sa draft ng Constitution and By-Laws ng General Alumni ng HS namin. Ito ay samahan ng lahat ng gumradweyt mula ng itatag ang HS sa aming lugar. Ako kasi ang kinatawan ng Batch 94 bilang "Board of Director".
- Ang isa sa pinaka-importante din sa akin ay ang time ko sa aking mahal na asawa. Nagdadalantao kasi siya ngayon. Apat na buwan na. Kaya mas focus ako ngayon sa kanya.
- At kanina lang, bumalik na ako sa paglalaro ng badminton. Disappointed ako kasi sobrang hina ng laro ko. Para akong beginner. Malayo sa laro ng isang Level 3 player. Nakakahiya man pero aminado ako na ang dahilan ng paghina ng laro ko ay ang pagbigat ng timbang ko. Isa pa sa dahilan ay ang di ko paglalaro ng halos siyam na buwan na. Pero, babawi ako, conditioning lang ng katawan ang kailangan ko. Stamina and endurance ang kailangan kong i-build up. At nagpapasalamat nga pala ako kay Bro. Floy and Bro. Jacob sa pagsama sa akin para finally makapaglaro na. Nag-set kami na tuwing Friday ay maglalaro na kami.
Mga giliw kong mambabasa ang mga nakasulat sa taas po ang mga kasalukuyang umuukupa ng aking oras. Sisikapin kong makapagsulat ng mga bagong entry sa mga iba-ibang issues na napapanahon ngayon. Alam ko marami, wala lang akong gaanong oras para magawa ang mga ito.
Pangako, magsusulat ako ng mga bagong entry sa mga susunod na araw.
Hanggang dito nalang muna. Gabi na at may pasok na bukas. Magpapahinga na kami ng wife ko. God bless sa inyong lahat. :))
Busy mode ah. Ingat lang sa health. :)
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com
dahan dahan lang uy. 4 na araw ka lang pala nawala sa blog mo, e ok na yan.
ReplyDeletesyempre dapat mong pagtuunan ng pansin si labs mo.
hirap sa work ng walang kasama no? pero ayos din pala kasi darating na naman ang papalit sa kasama mong umalis.
@Mich -- Oo, busy mode, kelangan eh kundi walang matatapos..hehehe
ReplyDelete@Totomai- Hahaha..dinadahan dahan ko naman at ini-ingat-ingatan. Oo, ang hirap ng walang kasama sa work, dami pressures. Pero may bago kaming hire na Gen.Manager (lalong pressure). Yong kasama ko sa Purchasing di pa dumadating.
ReplyDeleteTama, priority dapat ang labidabs..hehehe
wala bang like dito Jay hehe. (kidding)
ReplyDelete@Lie --hahahaha! wala eh..hahaha
ReplyDeletethats okay....what's the news regarding sa name ng baby niyo!? :))
ReplyDelete@Theo-- sa June 15 pa ang deadline and July 15 ang announcement ng mapipiling entry. tsk! tsk! tagal pa ano..hehehe..
ReplyDeletesame here, busy mode din.. hehe..
ReplyDelete@Jee--hehe tukayo kaw din..lols..saw your Baler escapade..twas awesome huh...still to post my comment. hehe
ReplyDelete