ME, Nanay Aure, Tatay Eliseo, Ate Jing sa Serendra, The Fort - Dec.22, 2011 |
Dear Tatay,
Para sa akin, siyempre ikaw ang pinaka
da-best na tatay sa buong mundo.
Lahat naman ng mga anak yan din ang
sasabihin, pero I mean it.
Alam ko halos half of my life di na kita
nakakasama ng madalas
Malayo kasi ako parati at matagal ding di
umuwi sa atin
Marami akong gunita na gustong balikan.
L-R: nephew John, ME, nephew Allen, niece Jannea, Nanay Aure, Tatay Eliseocousin Fe, nephew Nikko at nephew Jon sa Serendra, The Fort - Dec. 22, 2011 |
Isa na doon noong bata pa ako ay tinuruan mo
akong sumakay sa likod ng kalabaw
Ganun na din ang pagsama ko sa’yo para
mangahoy na kabayo ang sinakyan natin
Di ko talaga malilimutan noong minsan
nagpunta tayo sa gubat para mangahoy
Pauwi na tayo noon ng biglang tumakbo nang mabilis ang kalabaw
Tangan-tangan ako kasama na ang “kangga” na
may lamang mga kahoy
Pinilit mong habulin ang kalabaw pero ang
bilis nito ay di mo kinaya
Di mo alam kung ano ang nangyari sa akin
pero ng dumating ka
Laking pasalamat mo na ako ay ligtas at
galos lang ang natamo
Kumapit kasi ako ng mahigpit sa ibabaw ng
mga kahoy
Habang matuling kumukuripas pababa ng burol
ang kalabaw
Tatay Eliseo, eldest child Ate Jing sa Serendra, The Fort, Bonifacio Global City - Dec. 22, 2011 |
Naalala ko rin ng una mo akong dinala sa
laot para mangisda
Imbes na kabahan ako ay tila walang akong
takot
Kasi alam kung kapiling kita at superhero
ang dating mo sa akin
Nagsasaka ka ng bukirin at sinikap mo akong
turuan ng pag-aararo
Natuto naman ako pero sa isip ko di eto ang
klase ng buhay na gusto ko
I honor you for the decent way of raising us
ME, Tatay, John, Nanay sa Market Market - Dec. 22, 2011 |
At ikinararangal ko ikaw bilang isang
simpleng magsasaka
Sa tindi ng pisikal na hirap ay nangako ako
sa gitna ng palayan
Na mag-aaral akong mabuti para makaraos tayo
Ngayon, unti-unti nang nabubuo ang mga pangarap
Pangarap na binitawan ko habang nasa gitna
ng init ng palayan
ME, Tatay, John, Nanay sa Market Market - Dec. 22, 2011 |
Pero, anu't-ano man ang marating ko sa buhay
Babalik balikan ko pa rin ang mga alaala
kung paano mo ako
Tinuruan upang makatindig sa sarili kong mga
paa
Baon ko lagi ang mga pangaral mo
Magsumikap, huwag manlamang sa kapwa,
Lumaban kung nasa tama at magpakumbaba
L-R: Tatay, Nanay, Wife ko Wida, pinsan Fe, niece Jannea, Ate Jing, nephew OR and niece Jia - bonding sa MOA sa harap ng higanteng Ferris Wheel - Dec.22, 2011 |
Simple lang ang sulat na eto tatay,
Pero habang sinusulat ko eto ay tumutulo ang
luha ko
Luha ng pag-aalala, pagmamahal, paggugunita
sa mga nakalipas
Luha ng unti-unting tagumpay.
Di ako mauubusan ng pasasalamat sa iyo
Di ko man o namin laging nasasabi sa’yo
Kung gaano ka naming kamahal
At kung gaano ka kahalaga sa aming lahat
Idinadaan ko nalang sa panulat para maiparating
ko
Ang aking (aming) taos-pusong pasasalamat sa
iyo
Ate Jing, Jannea, ME, Nanay, Tatay, Jia, OR, Fe, John Nikko, Jon sa Serendra, The Fort - Dec. 22, 2011 |
Di ko na eto in-edit basta kung ano ang
lumabas sa isip ko
At dinidikta ng puso ko sinulat ko na.
Maligayang Araw ng mga Tatay
Hangad ko(naming) na magkasama pa tayo ng
matagal
Marami pang tawanan, halakhakan, at kulitan
Na magaganap sa atin.
At matutupad ang muli nating pagtitipon-tipon sa buwan ng Mayo sa taong 2013
Kasama ko lahat ng mga kapatid ko at mga apo niyo.
Walang sawang magmamahal sa'yo
Ang iyong anak,
Jay
Sweet naman. :)
ReplyDeleteThanks Michy. I am just making the most for my tatay.
Deletesweet! Belated Happy Father's day, sa yo din! :)
ReplyDeletesalamat! been blessed to have a father like my tatay :)
DeleteThis is really sweet and very sincere.. :) Belated happy father's day to your dad and to you as well! I'm sure you're dad's very proud of you.
ReplyDeleteThanks Sumi. I'm extending my late greetings too sa iyong dad.
Deletewow!thumbs up for this brilliant blog about ure loving tatay.i cried when i read it.keep up the good work and more blog....im sure all our batchmates will be amaze when they read this.....so proud of you....
ReplyDeleteMaraming salamat Maps! Alam ko naman na nababasa ng iba nating mga classmates/batchmates ang blog ko. Di nga lang sila nagko comment.
DeleteKung napaiyak ka man ay dahil ganun din naman ang iyong mga gustong sabihin sa iyong tatay, iba-iba nga lang ang mga pamamaraan kung paano tayo nila pinalaki. Belated Happy Father's Day din kay tatay mo
Woww...kuya sobrang npahiyak aq habng binabasa q ung liham mo pra ke tatay.hndi dhil sa qng ano man ang npagdaanan nting hirap noon kundi ung sarap n tayo'y natoto at tinuruan qng paano tumayo s sariling paa at lumaban s buhay n dala ang pangako at pnagarap s buhay ksama ang mhal nating ama't ina.
Deletebago mo pa sabihin na tumutulo ang luha mo habang sinusulat ang liham na ito... naluha na ako...
ReplyDeletehaaaayyyyy... sabi ko na... malakas ang kutob ko na magaling ka mgpaiyak... I told you Daddy Jay na emo ako basta may involved na tatay...
tsk...