Social Icons

Thursday, November 10, 2011

Torture

-----00000-----
Dito sa loob sa kabila ng dingding
Sa likod ng pinto sa gitna ng dilim
Lumakad, tumayo, humiga, umupo
Isip lumilipad sa malayong-malayo
-----00000-----
Wala doon, wala dito
Wala sa kanya kundi na sa iyo
Ang umaga, ang tanghali, ang gabi, ang hapon
At ang bawat sandali ng bawat panahon
-----00000-----
Dito sa silid sa sulok sa gilid
Sa taas ng sahig, sa ibabaw ng banig
Bumiling biling, pumikit' dumilat
Diwa'y gising at kalat-kalat
-----00000-----
Hindi bangungot hindi panaginip
Hindi guni-guni o gawa ng isip
Sulyap sa saloobin ng isang hapo
Kapiraso ng pangarap na malabong malabo
-----00000-----
Dito sa ngayon, sa harap ng kasalukuyan
Sa likod ng kahapon, ikatlo sa kinabukasan
Nakaupo, nag-iisip sa gitna ng dilim
Naghahanap ng matulis na patalim

Wala doon, wala dito, walang makita ni kahit anino.

0 comments:

Post a Comment

Glad you've visited my site. Your comment matters to me. You can also subscribe via email so that you'll know when I replied to you.

Thanks and have a nice read!

 
 
Blogger Templates