Marahil ay di na naging lingid sa inyo magiliw kong mambabasa kung bakit parang madalang pa sa patak ng ulan ang aking entry nitong mga nakaraang araw? or isang linggo na yata.
May pinagdadaanan lang ng personal ang inyong lingkod.
Kagaya ng nakasulat sa pamagat, nakakaranas ako ngayon ng "weakening of the spirit". -- ito yong tinatawag na "spiritual dryness". Ouchh! parang ang lalim ba? Oo, malalim nga yata kasi there comes a point na I feel like my spirit is not ablaze. I feel like I'm so weak inside. All my vulnerabilities attacked me.
Maging ako man ay di ko naiintindihan ang aking sarili sa mga nangyayari ngayon. Maging sa pagsusulat ay biglang di ako naging interesado. Parang ayaw ko ng magsulat.
Sa mga nakakakilala sa akin ng husto, ito'y isang maaaring nakakagulat na pahayag. Batid kasi nila kung gaano ako kakulet or ka "ligalig" kapag kasama nila ako.
Pero, nilalabanan ko naman ang aking sitwasyon. Alam kung pagsubok lang ito. Ang nakakatawa at nakakainis na rin eh kung paanong parang di na ako nasanay sa mga challenges na dumadating sa akin. Parang tuwing may bagong dating, I feel like I'm always a newbie to it.
Ganunpaman, kakayanin ko ang lahat ng ito. Maaaring nakaramdam lang ako ng mga pressures these past days kaya siguro bumigay ang emotional side ko. Plus, di pa maganda ang pakiramdam ko physically. Siguro nagkahalo-halo na rin.
Siguro nga napapanahon na. Napapanahon ng magkaroon ako ng "unclogging of unwanted elements in me". Kaya I'm looking forward na to going back sa Pilipinas para makabisita nang muli sa aking favorite spot-- ang Blessed Sacrament ng Nature Church sa Las Pinas -- ang lugar kung saan ako naging member ng SFC (Singles For Christ). Doon ko ibubuhos ang lahat ng mga dapat kung ipagtapat sa diyos. Doon ko nanamnamin ang pakikipag-usap sa Panginoon in silence. Kung saan ako'y magiging isang listener lang.
Kung nangangailangan man ng pagpatak ng luha ang magiging tagpong iyon, then so be it. Thy will be done!
Sir jay, kung ano man yang pinagdadaanan mo- Godbless. :)
ReplyDelete