Our daily lives are composed of variety of emotions. Waking up in the morning you feel refreshed and energized. Upon reaching the wash room suddenly you become constipated. Time to take a bath renders you so agitatingly cold. At breakfast it becomes exciting. Now, you're hurrying for school or office quickly put you in a hassle-mood. In school, first period either makes you boring or lecture-engaged. Office makes your routine works monotonous. At break time, seeing your crush makes your heart thumps fast. In the office, the sight of your boss in a not-so-good-mood rendered you anxious. So, these are the typical scenarios our emotions display in daily life's struggles. No matter what is our circusmtances maybe, we alone are the masters of our actions and reactions. What a positive person sees in a very difficult situation is a challenging point on him. While in the eyes of a negative dweller, it pisses him off. Handling things either positively or negatively develop a certain traits in us. As they say, whatever you sow, you will also reap.
Maraming tamang pagkakataon at pamamaraan sa pagharap ng ating mga iba't ibang sitwasyon o di kaya'y kinasasadlakan. Maaring sa una, ang reaksyon ng isang indibidwal ay di kanais-nais dala ng kanyang emosyon. Ang emosyon na malaki ang epekto sa kung paano tayo makisalamuha sa mga tao at sa lipunan na ating ginagalawan. Subalit sa di kalaunan, dala ng pagsusumikap na maintindihan ang sitwasyon, natututo tayong harapin or humarap sa mga suliranin o kamalayan ng may linaw ng isip, pag-aanalisa, at pagpapalalim ng ating pang-unawa upang maiwasan natin ang mga bagay na kung idadaan sa isang marahas na aksyon ay magdudulot ng di magandang epekto maaring sa kapwa natin, sa lipunang ating ginagalawan o higit sa lahat sa ating pagkatao.
Kanina, habang akong panandaliang nagpapahinga, nagkaroon ako ng pagkakataon para sulyapan ang mga pangyayari sa ating bansa sa pamamagitan ng panonood ng iba't ibang balita sa telebisyon. Habang ang mga mata ko'y nakatutok sa mga ibinabalita ng taga-ulat, di ko maiwasan mapa-buntong hininga. Napag-isip isip ko sa aking hinuha, malayo na nga pala ang narating ng ating teknolohiya sa paghahatid ng mga makabuluhang balita. Pero di doon nakatuon ang aking kaisipan, bagamat, sa mga katiwalian sa gobyerno na kung iisipin ay sandamakmak na. Ang nagpapuyos pa ng aking kalmadong damdamin ay ang katotohanang mga opisyales ng ating pamahalaan ang sangkot sa ganitong pagmamalabis sa kaban ng ating bayan.
Sa kabilang banda, hindi ko masisi kung ang iilan o nakararami man, ay tinutungo ang Mendiola upang hayagan ipamalas ang kanilang saloobin sa gobyerno dahil sa isang banda, may karapatan sila at may pinanghahawakang mga dahilan. Dahilan na nag-udyok sa kanila para magprotesta.
As I was watching the news continuously I can't help but let go of my silent outburst about the current happenings in our country. As an OFW, whose primal dream is to provide a descent living for his family, I am really affected by the cries of millions of Filipinos who hungers for change and starve in their daily existence. I felt helpless in thinking when and how can we finally alleviate our people standard of living if many of our government officials continue to err against our system and its people. Worse to think, it involves financial matters not in a meager amount but in millions of bucks.
Sadyang nakakapanlumong isipin na silang mga dapat pinagkakatiwalaan ng ating mga mamamayan ay sila pa ang mga pasimuno ng kabulastugan sa ating pamahalaan dala ng ganid sa kayamanan at sa kapangyarihan.
It is so disappointing to think that eventhough they were sworn to office and have certain ethical standards that they (should) abide, yet they still has this mock-faced personality to do malicious conducts which discredit them.
Maaring isa lamang ako sa mga may ganitong saloobin. Kayo man, ay alam kong nakakaramdam ng mga ganitong pagpupuyos ng damdamin. As they say, human as we are, we are sometimes carried away into a certain situation that our emotional control just doesn't work right.
Sa ganang akin, ito'y isang malayang paraan ng pagpapahayag ng aking saloobin sa mga kasalukuyang pangyayaring nagaganap sa ating bayan. Bilang isang mamamayan na may positibong pananaw sa buhay, sa isang banda, kinakailangan ding hayaang magpuyos ang ating damdamin para mailabas ang tunay na nararamdaman. At minarapat kung isulat ang aking saloobin sa ating sariling wika para mas maintindihan ng nakararami, bagamat ang pamagat nito'y sa wikang Ingles at ang ibang mga salita ay nasa wikang banyaga din.
Hanggang sa susunod na panulat mga kaibigan. Isang mapagpalang gabi sa inyong lahat.
Nakatutuwang isipin na kahit papaano'y gumana pa rin ang aking natutunan sa wikang sarili. Ninais kong gamitin lamang ang mga payak na salita bagamat bigo akong maipahayag ito sa ganung pamamaraan. Pero, sa kabilang banda, mas malaya ko namang naipahayag ang aking saloobin gamit ang ibang medyo may kalalimang salita. Masayang pagbabasa sa lahat.
ReplyDeletei must say WOW..sobrang napahanga mo po ako.lahat po ng nakasaad sa inyong panulat ay katotohanan.masaya po ako na nabasa ko ang iyong panulat,God bless po and more power sa inyo:))
ReplyDelete