Social Icons

Sunday, March 10, 2013

Isang Pasasalamat sa DAMUHAN


Whenever I join a contest I always say this statement: "To be given a chance to participate is such a big privilege, winning if it happens is just a secondary thing- more like a bonus, a topping on a cake."

Isang pribilihiyo at karangalan!

Eto ang unang pumasok sa aking hinuha at namutawi sa aking mga labi ng mabasa ko ang sandamakmak na  mga tweets at personal messages patungkol sa aking pagkakahirang bilang isa sa tatlong pinakamabagsik   sa panitik sa patimpalak ng DAMUHAN.

Nakamit po ng inyong lingkod ang IKATLONG KARANGALAN sa patimpalak ng pamosong blogger  at kaibigan kong si Bino Bautista. 

Katulad ng sinumang nananalo sa isang patimpalak, di maitatanggi na labis ang aking pagkatuwa. Di ko man siya maipakita sa panlabas pero sa puso ko ay parang may mga kompetisyon ng fireworks tanda ng selebrasyon.

Sa totoo lang, di ko talaga inasahang mapapabilang pa ako sa hanay ng tatlong pinakamababagsik. Sa katunayan, nang mabasa ko ang iba't ibang obra ng mga lumahok bago pa ang judging ay may mga personal favorites na ako. At isa na doon ang kwentong lahok ni Senyor ng KWENTONG ISKWATER MULA SA ISKWATER. Maaring may pagka-bias ako kasi kaibigan ko si Senyor pero gustung-gusto ko talaga kung paano niya hinabi at inilahad ang kanyang lahok. Nakapagbiro pa nga ako na sana nag-judge nalang ako. hehehe! Meron pa akong dalawa pang personal favorites at ito ay ang obra ni LipadLaya at ni bro. Mar ng PBO - ngayon ko lang eto sinabi. Ang entry lang kasi ni Senyor ang lagi ko nang bukambibig.

Marami ang kahanga-hanga ang mga kwento pero I limit myself into choosing my best three. Ang napuna ko pa sa mga obra ay ang mga singlalim ng balon na tagalog. Ni sa hinagap di ko naisipan kung paano ko gamitin ang mga iyon sa aking entry. Kudos sa mga brilliant minds pagdating sa panitikan.

Pero kagaya ng anumang patimpalak, judging is always subjective. Judges' decision is always final. Silang mga hurado ang tanging may hawak ng desisyon at wala ng iba. No time and space for appeal. 

Hindi ako beterano sa paggawa ng kwento, maikli man ito o mahaba. In fact, when I did mine, I only consumed three hours penning it. Nakaw na sandali pa from the office. Kinailangan kong i-capture ang mga ideya na pumapasok sa kukote ko or else back to sabaw moments na naman ang drama ko noon. Sa mga panahon iyon, isang linggo na akong sinasabaw mula ng magpahiwatig ako kay pareng Bino na sasali ako. 

Making an entry for three hours is like tantamount to a trash entry, parang di pinag-isipan. Pero, iba ako kapag flowing ang thoughts sa utak ko. It's like a running stream continuously flowing until it reaches the shore lines. Pagkasulat ko ng draft ko sa three clean sheets of bond paper dali dali kong in-edit pagkauwi ko ng flat ko. And bingo! ipinasa ko na siya. 

Kaya isang malaking tawa ang napakawalan ko ng mapagtanto ko na pang-apat palang pala ako sa mga nakapagsumite na ng kanilang entry hahahaha! 

Hayaan ninyo akong magpasalamat ng lubos sa nag-devise ng patimpalak na ito na si Sir Bino of Damuhan, sa mga hurado na matiyagang nagbasa ng sangkatutak na mga entries. 49 short or long stories are very tiring to read yet they exemplary did their job. Sa mga kapwa ko kalahok at sa mga nanalo.

Sa isang taon, alam ko magkikita-kita din tayo sa finals ulit. 

Sa muli, maraming salamat at congrats sa lahat!

Siyanga pala, sa mga di pa nakabasa sa aking naging lahok na nagluklok sa inyong lingkod sa ikatlong pwesto, maaring nyong i-click ang link na ito ANG BAGONG KALABAW NI TATAY.

16 comments:

  1. Congrats! Marami nga ang magagaling sumulat sa Filipino and everyone deserves to be recognized. Thank you for sharing your winning moments to all those who joined.

    ReplyDelete
  2. Oh wait.. sabi mo Daddy Jay, you'll reveal the twists of the story after the big reveal... I can't wait to know what that is.. Congratulations po ulit!

    ReplyDelete
  3. Wow, muli ay binabati kita Daddy Jay sa pagkakabilang mo sa Top 3 ng BnP 2013 ni Kuya Bino. Congratz!!!

    I'm sure sumakit ang ulo ng mga judges dahil ang talagang magagandang entries. 50+ yata ang bilang ng lahat ng lumahok. Galing!

    See you next year ulit!

    ReplyDelete
  4. Yours is one of my faves too... Sige, magbolahan tayo sa umagang kay ganda... hehehe... Pero alam mo namang naiyak ako sa kwento mo diba? Kahit nakulangan ako ng relevance sa theme... bwahahaha

    Wow Daddy ha, I love this post kasi Taglish. Hanga ako sa mga taglish writers kasi sobrang conversational. Very Filipino kasi righy now, and average pinoy ay hindi naman masyadong fluent sa straight English and straight Filipono... Nagpapaliwanag ako...

    Kitakits tayo next year para sa muling BnP!

    ReplyDelete
  5. Congrats po ulit daddy Jay! :) Im waiting sa kung ano man ang pakontest nyo! hahaha!

    ReplyDelete
  6. No wonder. I liked your story Dadi Jay. Pero may di ka pa sinasabi sakin tas umalis ka na? hmmm.. kulitin na lang ba kita next na uwi mo? makakalimutan ko na yun.

    ReplyDelete
  7. whoohoo! nice one Jay! kaw na!
    well deserving ka naman talaga para sa award na yan!
    more story pa !

    ReplyDelete
  8. Congrats po! You really have a talent in writing. . I can't wait to read more of your stories!

    ReplyDelete
  9. galing nyo po.... congrats.... ^_^

    ReplyDelete

Glad you've visited my site. Your comment matters to me. You can also subscribe via email so that you'll know when I replied to you.

Thanks and have a nice read!

 
 
Blogger Templates