Social Icons

Wednesday, February 22, 2012

Ako Si Jay



Ako si Jay.


Palayaw lang ang gamit ko rito. Pero ang tunay kong pangalan ay Joven Rada Rafol, galing kami sa lahing Espanyol dahil ang aking "el abuelo" (grand father) and "la abuela" (grand mother) ay parehong half-Spanish. "El abuelo es muy alto" (my grand father is very tall). "La abuela mi bonita" (my grand mother is so lovely).

Kaya paminsanang natatawag din ako sa pangalang "Jovencio" ng aking mga childhood cousins and friends. Jovencio kasi ang nakalagay sa baptismal ko dahil ang paring nagbinyag sa akin ay isang purong Espanyol-- si Padre Caminse. Pero sa NSO ay Joven lang. 

Ako ay mahilig mag-isip, magbasa, at magsulat.

Paano ko nga ba nahulma ang ganitong karakter sa aking sarili?

Bata pa lang ako ay mahilig nang sumulat ng kung anu-ano sa mga dahon ng saging, sa lupa, sa biyak na kawayan, sa balat ng niyog, sa lamesa, sa bintana at higit sa lahat sa aking "notebook".

Tandang tanda ko pa noong anim at kalahating taon pa lamang ako nang nagpupumilit na ako sa nanay ko na i-enrol na niya ako sa Grade 1. Pero hindi umobra ang pagpipilit kong yon kasi ang required age sa G1 ay pitong taon. Di pa kasi uso noon ang pre-school. Wala pang nursery, kinder 1 & 2 and preparatory level.

My day won't be complete without reading a page or two from a book -- usually inspiring books I am reading in the process.

Mahilig akong magbasa at mag-imbestiga ng mga bagay-bagay sa paligid ko.

My love of reading heightened when I entered my freshman year in college. A trait in me which was not innate but was developed through time.

Lumaki akong punung-puno ng katanungan tungkol sa mga bagay na di-maarok ng aking hinuha.

Patuloy akong nangangarap na sana isang araw may kasagutan ang mga bagay na nakabinbin sa aking kaisipin.

Ako ay isang self-acclaimed writer of things all about life.

Ako ay malayang nagpapahayag ng aking saloobin sa blog na ito na may layuning di makatapak or makapikon ng ibang tao.

Ako ay patuloy na nagsusumikap bilang isa sa mga milyon-milyong OFWs na ang layunin ay para makatulong sa pamilya. Kahit sino man ang iyong tanunging OFW iyan at iyan din ang isasagot nila.

Malayo pa ang lalakbayin ko sa buhay. Alam kung sa bawat kalsada na aking tatahakin laging naka-abang ang mga balakid. Ngunit sa malinaw na pangarap, malinis na hangarin, positibong pananaw sa buhay kasama na ang dasal sa ating Lumikha darating din ako sa gusto kong paroonan.

At sana sa paroroonan kong yon ay kasama ko pa rin kayo. Sabay tayong magbiyahe, ipasada ang ating mga pangarap. Hindi man tayo nakasakay sa iisang oto tiyak kong ang oto na inyong sinasakyan ay doon din papunta sa paparoonan ko. Baon natin ang gasolina ng ating mithiin na magbibiyahe sa atin patungo sa dako pa roon.

Sa dakong kung saan ang saya ay walang hanggan, ang liwanag ay di na kailanman lulukuban ng dilim. Ika nga ni Albert Einstein (paborito kung siyentipiko) ay ganito:

Professor: I'll prove to you, If God exist, the He is evil. Did God created everything that exists? If God created everything, then He created evil which means God is evil.
Albert Einstein: Excuse me! professor. Does cold exist?
Professor: What kind of question is this? Of course, it exists? Have you never been cold?
Alber Einstein:  In fact Sir, cold does not exist. According to the laws of physics, what we consider cold is in reality the absence of heat. Professor, does darkness exist?
Professor: Of course it does!
Albert Einstein: You are wrong Sir! Darkness does not exist either.Darkness is in reality the absence of light. Light we can study, but not darkness. Evil does not exist. It's just like darkness and cold,  God did not create evil. Evil is the result of what happens when man does not have God's love.

Wow panalo talaga ang idol ko! Kayo? sino kayo? at ano ang hangarin ninyo sa buhay? 

Ang inyong kuro-kuro or komento ay malayang maisusulat sa "Post A Comment" portion ng entry kong ito.

Maraming salamat sa pagbabasa.



7 comments:

  1. there are so many person that inspires me all my life.... but my greatest inspiration in life is non other than Jose Rizal,

    his the one i idolize when it comes to writing and arts

    :))

    ReplyDelete
  2. @Theo-- Yeah, J.R. is worth to be idolized for his works especially in standing up for our country even costing his life to death. And A.E. is just an idol in science..hehe..have lots of great people both from past and present whom I draw inspiration from. Two of which are the Kielburger brothers (Marc and Craig). To get to know more of them, please visit this site: www.freethechildren.com. I am just so inspired by how they inspire other lives and empower the less privileged kids.

    ReplyDelete
  3. TAlagang may ganong factor? Ikaw na. Pero its a good thing that you know who you are.

    ReplyDelete
  4. @Kay---wahahahaha! parang X-Factor lang minus the singing..wahahahaha

    ReplyDelete
  5. nice meeting you here Jovencio :-), este Jay.

    buti ka pa masipag magbasa simula nung bata ka. :-)

    ReplyDelete
  6. @totomai--hahaha..nice one Jovencio..I kinda miss that..nope masipag akong magsulat pero ang pagbabasa late na..first year college na ako na-addict..hehehe

    ReplyDelete

Glad you've visited my site. Your comment matters to me. You can also subscribe via email so that you'll know when I replied to you.

Thanks and have a nice read!

 
 
Blogger Templates