Social Icons

Tuesday, February 21, 2012

Ang Pagiging Makata Ko

Kalaliman na ng gabi. Medyo inaantok-antok na rin ako. Bumibigat na ang pakiramdam ko sa dalawang bolang nagsisilbing tagasilip ng liwanag ng mundo.

Binisita ko uli ang mga panulat ni Gasoline Dude at napadaan akong muli sa kanyang entry tungkol sa mga nanalo. Scroll up! scroll down ang banat ko hanggang mapagawi ako sa nagkamit ng unang gantimpala. 


Ang pangalang DUGONG BUGHAW ay isang link para mapuntahan mo ang kanyang competition entry na nagluklok sa kanya sa unang gantimpala. Una ay pinasadahan ko lang muna. Aba, tula pala ang naging entry ni Dugong Bughaw at tagalog pa. Sinimulan ko siyang basahin. At dahil sobrang naka-relate ako at nag-enjoy sa puno ng katuturan na kanyang mga binitawan sa labinsiyam niyang talata ninamnam ko ang mga bawat salita. Pinagmuni-munihan, may binalikang gunita at kung anu-ano pa ang pumasok sa kukote ko. 

Ang kagandahan nito ay isang inspiradong enerhiya ang lumukob sa akin upang buklatin kong muli ang nakasarado nang kabanata sa aklat ng aking mga tula. Tila isang malakas na enerhiya na nagtutulak sa akin upang isaalang-alang ulit ang pagsusulat ng mga tula sa wikang Ingles at wikang sarili man.

Kaya ang naging pasya ko ay dadalasan ko ang pagsusulat ng mga tula na maaaring magsilbing inspirasyon din sa aking mga masugid na mambabasa.

Kaya sisimulan kong manumbalik ang pagiging makita ko.

3 comments:

  1. @Michy --haha...nosebleed ka sa lalim ng ibang tagalong words..hahaha...sinubukan ko lang kung kakayanin kung palabasin sa aking hinuha ang mga salitang nabanggit..lol..hahaha

    ReplyDelete
  2. Ah.. you just reminded me that I did my entire thesis in Filipino. LOL.

    ReplyDelete

Glad you've visited my site. Your comment matters to me. You can also subscribe via email so that you'll know when I replied to you.

Thanks and have a nice read!

 
 
Blogger Templates