Kadalasan, lagi ng namumutawi sa bibig ng aking mga kaibigan, maging kaswal man or kadikit, na "englisero daw ako". Englisero man sa panulat, masasabi kong ang panulat ko ay di katumbas ng kung paano ako magbitaw ng litanya or salita. Kaya kapag may magtatanong sa akin, lagi ng ang aking tugon ay "I write better than I talk".
Kahit gaano man tayo kagaling magsalita or bumigkas ng mga salita sa wikang Ingles, di pa rin natin maitatatwang Pilipino tayo at kailanman man di tayo magiging isang dayuhan. Babalik at babalik tayo sa ating kulturang kinagisnan. Kulturang nagturo at nagmulat sa atin ng ating pagiging Pilipino.
Kahit gaano man tayo kagaling magsalita or bumigkas ng mga salita sa wikang Ingles, di pa rin natin maitatatwang Pilipino tayo at kailanman man di tayo magiging isang dayuhan. Babalik at babalik tayo sa ating kulturang kinagisnan. Kulturang nagturo at nagmulat sa atin ng ating pagiging Pilipino.
Siguro nga dumating na ang panahon, dumating na nga.... Panahon na upang ipamalas ko naman ang aking natatago kundi man kinakalawang na kaalaman sa pagsusulat sa wikang atin. Sayang naman ang ilang taon ng pagsasanay sa pagsulat sa wikang kinagisnan kung di ko ito madalas gamitin.
Ayoko naman na dumating ang araw na ako'y lipulin ng kutya at pagpupuna dahil sa di ko paggamit ng wikang aking kinamulatan. Oo nga, di naman masama kung magsalita ng wikang Ingles, pero mas maipapamalas natin ang ating loyalismo at pagkamakabayan kung hindi natin itinatago or isinasantabi lang ang ating wika.
Kung ang wika lang ay nakakapagsalita, marahil ay napagsabihan na akong isang lapastangan. Lapastangan sa pagtalikod sa kulturang kinamulatan. Kung ang wika lang ay isang matang di nakapinid, marahil ay lantaran na nitong nakita ang aking pagmamalabis sa Inang bayan. Pagmamalabis na dulot ng di madalas na paggamit ng wikang Pilipino.
Ngunit, gusto ko lang ding linawin sa madla na di nasusukat sa panulat o pagsasalita man ang pagmamahal ko sa aking wika pati na sa bayan. Sa kaibuturan ng aking budhi ay makikita doon ang labis na pangarap na makatulong upang ang Inang Bayan ay tuluyan nang makaahon sa lugmok na sistema na kanyang kinasadlakan.
Isa lamang ako sa isang yuta na pareho ang pangarap sa Inang Bayan. Isa lamang ako sa isang angiw na patuloy na iniuusad ang pangandoy na sana sa pagbabalik ko sa aking Inang Bayan ay abot-tenga ko nang ngingitian ang progresibo kong bayan.
Pero ang pangarap na iyon ay di dapat sa panulat lang. Kaya nagdesisyon ako na lakarin at tawirin ang mahaba mang paglalakbay tungo sa pagbabago. Isang pagbabago sa sinisimulan ko sa aking sarili. Isang pag-aasam ng pagbabago na sinasabayan ng pagkilos at pagtulong sa kapwa ng di naghahangad ng anumang pagkilala.
Dahil akoy' PILIPINO at ikinararangal ko ang mapabilang sa lahi ko.
Nice one!!!! I just wish I can also create a blog like this!!!!!!
ReplyDeleteMinsan kasi, di natin maiwasang mag isip satin ang ibang tao pag nagsasalita tayo ng englis. Nature na sa ating mga Pilipino kasi ang pagsasalita ng englis lalong lalo na pag ini interview tayo. So, there's nothing wrong about english because this is a universal language. Pero minsan kailangan nating ilugar ang sarili natin kung tama bang magsalita ng englis lalong lalo na kung ang kaharap mo eh mababa lang ang pinag aralan. hehehe!!!
ReplyDeleteIsa ka ng alamat Mr. Jay Rada, ipinagmamalaki kita dahil patuloy kang nagiging Pilipino kahit nasa ibang lupalop ka ng mundo. Ang pagsasalita ng inglis ay di basehan upang masabi na wala na ang pagiging pinoy mo. Ang wika natin kahit kailan di na yan maglalaho, kahit saan tayo mapadpad dumadaloy pa din sa atin ang dugo ng pagiging Pilipino na di kailanman pwedeng ikaila.
ReplyDelete